Suring Pelikula Sa Filipino : Anak
I - Tauhan :
- Vilma Santos - Josie
- Claudine Barretto - Carla
- Joel Torre - Rudy
- Amy Austria - Lyn
- Sheila Junsay - Daday
- Cherry Pie Picache - Mercy
- Leandro Munoz - Brian
- Gino Paul Guzman - Don Don
- Tess Dumpit - Norma
- Jodi Sta. Maria - Bernadette
- Cris Michelena - Arnel
- Hazel Ann Mendoza - Young Carla
- Daniel Morial - Young Michael
- Odette Khan - Mrs. Madrid
II - Buod :
Ang istorya ay tungkol kay Josie (Vilma Santos), isang ina na nagtatrabaho sa Hong Kong bilang domestic worker. Ginawa niya ito upang makapagpadala ng pera sa mga anak niya upang matustusan ang kanilang pangangailangan. Binangggit niya na ginagawa niya ito para mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanyang mga anak. Bagama't siya ay malayo sa kanila, tiniis nya ang mga pasakit ng kanyang amo at ang kanyang pagnanais na makasama ang kanyang mga anak sa kanilang paglaki.
Pagkaraan ng ilang taon ay nakauwi na rin siya dahil sa pagpapasyang hindi na pagtatrabaho sa Hong Kong at siya ay magnenegosyo na lamang. Sa kanyang pagbabalik, hinarap niya ang matabang na pagsalubong ng mga anak. Si Daday (Sheila Mae Alvero), ang bunso, ay hindi siya kilala, si Michael (Baron Geisler) ay mahiyain at walang kimi at si Carla (Claudine Barretto), na hindi man lang siya ginagalang at iniitsa-pwera lamang. Lahat ng hirap ay tiniis niya upang makuha man lamang ang atensiyon ng mga anak at sa mga araw na lumilipas ay nakikilala niya ang kanyang mga anak. Nakita niya ang mga bisyo at karanasan ni Carla ang pag-aaral, paninigarilyo, paglalagay ng tattoo, paghihithit ng rugby, panlalalake at paglalaglag ng bata. At marami pang problema ang kanyang kinaharap, ang pagkawala ng iskolarship ni Michael na siya pa namang pinakamatalino sa kanyang mga anak, nabangga pa ang taksing pinundar niya at iniwan siya ng isa sa mga kasosyo niya dahil nagastos nito ang perang ibabahagi sana niya.
Si Josie ay nagkaroon ng maraming pagkukulang. Isa siyang masamang ehemplo katulad ng anak niyang si Carla. Ang kanyang paglaki ng walang inang gumagabay sa kanyang tabi ang nagtaboy sa kaniya para magrebelde, ngunit sa kanilang alitang iyon, naintindihan rin ni Carla ang pagmamahal ni Josie sa kanila bagama't malayo siya sa kanilang tabi. At mula sa pangyayaring iyon ay nagbalik-loob si Carla sa kanyang ina at nagpakatino na siya bilang anak at nakatatandang kapatid na siyang gagabay sa mga bata niyang kapatid sa muling pag-alis ng ina.
III - Paksa :
Ang pelikulang ito ay nagtatalakay sa ugnayan ng Anak at ng Isang Ina. Kung pipiliin ng Ina ang trabaho kaysa sa kanyang pamilya.
IV - Cinematograpiya :
Ang kanilang pananalita ay maganda naman. Ngunit nasira ito nang naglaban-laban na ang mga karakter. Sa kanilang pag-aaway, minsan ay sila gumamit ng mga di magandang mga salita. . Simple lang din ang kanilang mga kasuotan. Noong panahon pa na pag-gawa ng Anak ay hindi pa hightech ang mga kagamitan, pero ang lahat ng kuha sa movie ay malilinaw dahil nailagay nila sa tama ang mga ilaw na gamit nila.
Lahat ng mga artista sa pelikulang ito ay mga magagaling. Naihatid nila ng may katotohanan ang mga karakter ng pelikula. Parang natural ang mga emosyon nila.Hindi magulo ang kwento. Maayos na nagawa ang kwento at ang pagkaka edit. At magaling din ang pagkaka direct.
Lahat ng mga artista sa pelikulang ito ay mga magagaling. Naihatid nila ng may katotohanan ang mga karakter ng pelikula. Parang natural ang mga emosyon nila.Hindi magulo ang kwento. Maayos na nagawa ang kwento at ang pagkaka edit. At magaling din ang pagkaka direct.
V - Mensahe :
Masasabing simple at pangkaraniwan lang ang istorya, ngunit ito ay naging extraordinary dahil sa mga artistang nagsipagganap at matitinding dialogues na nakapukaw ng atensyon at nagdala sa emosyon ng mga manunuod upang maramdaman ang mga mensaheng nais iparating ng mga karakter.
Ipinakita rin nito ang pagbabago ng estado ng babae’t lalake pagdating sa tingin sa mga responsibilidad. Mga babae na ang gumagawa ng dapat sana’y sa lalake. Ang dating mababang pagtingin sa mga kakayahan ng babae ay napalitan na ng pagtinging kaya na rin ng mga babae, at higit sa lahat kaya pang higitan.
Tamang-tama din ang theme song ng pelikula, ito ang nag.set ng mood sa mga manunuod. Nag.iwan at patuloy na nagpaalala ng mga aral sa buhay ang pelikulang ito.
Ipinakita rin nito ang pagbabago ng estado ng babae’t lalake pagdating sa tingin sa mga responsibilidad. Mga babae na ang gumagawa ng dapat sana’y sa lalake. Ang dating mababang pagtingin sa mga kakayahan ng babae ay napalitan na ng pagtinging kaya na rin ng mga babae, at higit sa lahat kaya pang higitan.
Tamang-tama din ang theme song ng pelikula, ito ang nag.set ng mood sa mga manunuod. Nag.iwan at patuloy na nagpaalala ng mga aral sa buhay ang pelikulang ito.
very informative ..thanks for this
ReplyDeletethank for the well information
ReplyDeleteSalamat po sa info. Malaking tulong sa akin.
ReplyDeleteThanks
ReplyDeleteInformative s'ya. Thanks!
ReplyDeleteGOOD
ReplyDeleteMARAMING SALAMAT!!!
ReplyDeleteThankyou :>
ReplyDeleteThnx very helpful
ReplyDeleteTenks
ReplyDelete